Saturday, 26 November 2016

Liham ukol kay Donya Victorina at sa mga batang muwang.



Bakit nga ba ganun nalang ang galit ni Padre Damaso kay Crisostomo Ibarra. Sa gayung eto si Donya Victorina na lantaran ang pagka palalo at kahayukan  sa laman ay di man lang ma kanti at minsay nabibigyan pa ng puwang sa oras ng kanyang misa upang magbahagi ng mga kabulaanan. 

Sa kabilang dako ng  kumbento naman ay ang  Madre ay nanghikayat sa utos na rin ng isang mataas ng Prayle sa mga kabataan upang mag aklas sa ipinaglalabang wala silang muwang.

Mabuti nalang si Sisa, nasa mabuting pangangalaga na gayundin ang kanyang dawalang supling dahil malaya na silang nakakapaglakad sa kalye at kun saan pamang eskinita dahil di tulad dati na nung ang pamahalaan at nababalutan pa ng kulay na nalalapit sa kahel, ang patayan at kasakiman ay lantaran.